Itinanggi ng US Defense Department na nagbigay ito ng intelligence sa lokasyon ng mga Russian generals na nasa battlefield upang mapatay ng Ukrainian forces ang mga ito.
Inamin ni Pentagon Spokesman John Kirby na totoong nagbigay sila ng military intelligence sa pwersa ng Kyiv pero ito ay sa layong matulungan ang Ukrainians na idepensa ang kanilang bansa.
Subalit mariing iginiit ng Pentagon official na hindi sila nagbigay ng intelligence sa lokasyon ng senior military leaders na nasa Ukraine o nakisawsaw sa mga desisyon ng Ukrainian military.
Nauna rito, base sa ilang reports na tinulungan umano ng US ang Ukraine na mapatay ang nasa 12 Russian generals na nasawi sa frontlines ng Russia-Ukriane war ayon sa isang report.
Base sa impormasyon mula sa hindi pinangalanang senior US officials, kabilang umano sa ibinigay na impormasyon ng US ang real-time information sa lokasyon ng mga Russian military mobile headquarters at galaw ng mga sundalo ng Russia.
Iniulat din nito na tinatayang dose-dosenang Russian generals ang napatay ng Ukrainian forces , marami umano dito ang targeted sa tulong ng US intelligence.
May lumabas din na reports na tinamaan ng Ukrainian forces ang lokasyon na malapit sa front lines sa Donbas region kung saan pinaniniwalaang bumisita ang Russian top general na si Valery Gerasimov subalit hindi pa kumpirmado kung ito nga ay nasugatan sa naturang insidente.
Sa kasalukuyan nasa 2 pa lamang na russian top generals ang kumpirmadong patay sa kasagsagan ng Ukraine-Russia war. Ito ay sina Major general Andrey Sukhovetsky, Deputy commander ng 41st combined Arms Army at Major General Vladimir Frolov, Deputy commander of the 8th Guards Combined Arms Army.
Top