-- Advertisements --

Magbibigay ang US defense Department ng karagdagang $300 million military assistance para sa Ukraine.

Ito ay para palakasin pa ang defense capabilities ng Ukraine at ito ay karagdagan din sa pangakong $1.6 billion na tulong ng Amerika mula ng mag-umpisa ang Russian invasion.

Kabilang sa ibibigay na security aid ng Pentagon sa Ukraine ay ang laser-guided rocket systems, drones, ammunition, night-vision devices, tactical secure communications systems, medical supplies at spare parts.

Sa isang statement sinabi ni Pentagon spokesman John Kirby na ang pagbibigay ng security assistance sa Ukraine ay alinsunod sa commitment nito para ipaglaban ang soberanya at territorial integrity ng Ukraine laban sa Russia.