-- Advertisements --
Hindi umano komportable ang ilang opisyal ng Pentagon sa ginawang pahayag ni President Donald Trump na balak nitong ipadala ang US military para kontrolin ang nagaganap na kilos-protesta sa iba’t ibang lugar sa Estados Unidos.
Ayon sa mga ito, sinubukan na raw nilang ipaliwanag sa American president na hindi pa kinakailangan ng kasalukuyang sitwasyon ang pagpapadala ng active duty troops.
Maaari lang daw itong gawin ni Trump sa oras na direkta itong hingin ng mga state governors.
Una nang nagbabala ang presidente na gagamitin nito ang Insurrection Act kasunod ng mas lumalalang kilos-protesta sa bansa kaugnay pa rin ng pagkamatay ng Black American na si George Floyd.