-- Advertisements --
Nagpahayag nang pagkabahala ang Pentagon sa ginagawang nuclear arsenal expansion ng China.
Ayon sa Pentagon na posibileng magkaroon ng 700 deliverable nuclear warheads ang China pagdating ng 2027 at mahigit 1,000 naman sa 2030.
Ang nasabing prediksyon ay dalawang beses sa pagtaya nila noong dalawang taon na nakakalipas.
Isinagawa ang assessment sa annual report ng US Department of Defense sa Chinese military developments.