Nakatakdang magpadala ng panibagong $1 billion military aid ang Pentagon para sa Ukraine sa oras na maaprubahan na ito ng US Senate at ni President Joe Biden para pondohan ang mga armas na kailangan ng Kyiv sa laban nito kontra sa Russian forces.
Ang naturang desisyon ay matapos ang ilang buwang pagkakabinbin ng naturang military aid sa gitna ng pagkakahati-hati ng mga miyembro ng US Congress para pondohan ito na nagpuwersa kay House Speaker Mike Johnson na i-assemble ang bipartisan coalition para ipasa ang naturang bill.
Kabilang sa posibleng ipadala sa military aid para sa Ukraine ay array of ammunition, kabilang ang air defense munitions at large amounts ng artillery rounds na lubos na dinidemand ng Ukranian forces gayundin ang armored vehicles at iba pang mga weapon.
Ayon kay Pentagon press secretary Major General Pat Ryder, hindi pa niya makumpirma ang detalye sa panibagong military aid package subalit sinabi nito na mayroong matatag na logistical system na nakalatag na ipinundar sa nakalipas na 2 taong pagpapadala ng weapons para sa Ukraine at ginagawa nito ang lahat ng kanilang makakaya para mabilis na makatugon sa oras na malagdaan na ang naturang bill.
Sinabi din ng Pentagon official na mayroong storehouses ang US ng military equipment sa Europa na maaaring i-tap para makakuha ng aid sa Ukraine sa loob ng ilang araw lamang.
Ang naturang anunsiyo nga ay sumasalamin sa pangako ni US Pres. Joe Biden noong Lunes sa kaniyang pagtawag kay Ukraine Pres. Volodomyr Zelensky na magpapadala ang US ng mga air defense weapons na lubhang kailangan ng kanilang mga sundalo.