-- Advertisements --

Pansamantalang inilagay sa lockdown ang Pentagon dahil sa napaulat na pamamaril sa subway station na kalapit ng US military headquarters.

Inatasan ang mga empleyado ng US Defense Department headquarters na magtago dahil sa magkakasunod na putok ng baril na narinig ilang metro mula sa main door ng gusali.

Pinayuhan naman ng mga otoridad na iwasan ang lugar dahil sa patuloy na insidente ng pamamaril.

Kasalukuyang nagsasagawa pa rin ang mga otoridad ng imbestigasyon sa insidente.