-- Advertisements --

Hindi magiging bongga ang paggunita sa ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power 1 na naging dahilan sa pagpapatalsik sa pwesto sa dating Pangulong Ferdinand Marcos noong Ferbruary 25, 1986.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office (PAO) chief Col. Edgard Arevalo na simple lamang ang inihandang selebrasyon ngayong taon na uumpisahan sa bisperas ng EDSA people power.

Sinabi ni Arevalo na magsisimula ang selebrasyon sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio kung saan mag-aalay ng bulaklak mula kay Pangulong Rodrigo Duterte na ilalagay sa puntod ng mga bayaning sundalo.

Ang ikalawang aktibidad naman ay gaganapin bukas, Biyernes kung saan magkakaroon ng “catholic-mass” na gaganapin sa grandstand ng Camp Aguinaldo na susundan ng awarding ceremony sa mga piling bibigyan ng award at parangal mula sa military at civilian sectors na naging mahalagang bahagi ng EDSA Revolution 1.

Dagdag pa ni Arevalo na sa araw ng Sabado February 25 ay magkakaroon ng wreathlaying ceremony sa EDSA People Power Monument na pangungunahan ni dating Pangulong Fidel Ramos.