-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Pinalawak pa ang pagsasagawa ng medical mission and outreach program ng People’s Medical Team ng Maguindanao provincial government.

Ayon kay Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu na kahit abala sila sa pangangampanya ay magpapatuloy rin ang medical and health services na mandato ng People’s Medical Team para sa mga mahihirap na mga mamamayan ng probinsya na nasa malalayong lugar.

Umaabot sa 4,000 indibidwal ang natulungan ng People’s Medical Team sa mga malalayong barangay ng Upi at South Upi, Maguindanao.

Bukod sa libreng pagpapakonsulta ay tumanggap din ang mga ito ng libreng mga gamot at bitamina para sa mga bata kasama na ang Libreng pagpapatuli at pagpapabunot ng ngipin

Nabigyan ng mga tsinelas at school supplies ang mga mag-aaral sa probinsya ng Maguindanao

Sinabi Gov Mangudadatu na gagawin lahat ng Maguindanao provincial government na matulungan ang taong bayan lalo na ang mga mahihirap na pamilya sa probinsya.