Bahagyang bumilis ang tropical depression “Pepito” habang tinatahak ang mga lugar sa bahagi ng Central Luzon area.
Huling namataan ang sentro ng tropical depression “Pepito” sa layong 440 kms east ng Infanta, Quezon.
Dahil dito nadagdagan pa ang mga lugar na nasa ilalim ng signal number 1 na kinabibilangan ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bulacan, Pampanga, Bataan, Metro Manila, Rizal, northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real) aksama na ang Polillo Islands, at ang extreme northern portion bng Camarines Norte (Vinzons) at Catanduanes.
Ayon sa Pagasa bumilis pa ang bagyo sa 25 km per hour at taglay ang lakas ng hangin malapit sa gitna sa 55 km/h at umaabot naman ang pagbugso ng hangin ng 70 km/h.
Tinataya ng Pagasa na bukas ng umaga ang sama ng panahon ay nasa 90 km west na ng Dagupan City sa lalawihan ng Pangasinan.
“24 Hour(Tomorrow morning): 90 km West of Dagupan City, Pangasinan. 48 Hour(Thursday morning):455 km West of Dagupan City, Pangasinan. 72 Hour(Friday morning): 625 km West of Dagupan City, Pangasinan (outside PA). 96 Hour (Saturday morning):880 km West of Northern Luzon,” bahagi pa ng advisory ng Pagasa.