Patuloy na kumikilos ang bagyong si Pepito palayo sa kalupaan ng bansa matapos nitong tawirin ang mainland Luzon sa nakalipas na magdamag.
Dahil sa bulubunduking dinaanan nito ay humina ang bagyo at ibinaba na ito sa typhoon category.
Mapapanatili ni Pepito ang kanyang typhoon intensity hanggang makalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang hapon.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 145 km West of Sinait, Ilocos Sur.
Taglay na lamang nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 130km/h malapit sa gitna at pagbugso na pumapalo na lamang sa 160km/h.
Kumikilos ang bagyo pa pahilagang kanlurang direksyon sa napanatili nitong bilis na 30km/h.
Signal No. 3: Hilagang at kanlurang bahagi ng Ilocos Sur (Gregorio del Pilar, Magsingal, San Esteban, Banayoyo, Burgos, Lungsod ng Candon, Santa Lucia, Santiago, San Vicente, Santa Catalina, Lidlidda, Nagbukel, Sinait, Suyo, Sigay, San Ildefonso, Galimuyod, Lungsod ng Vigan, San Emilio, Cabugao, Caoayan, San Juan, Santa, Bantay, Santo Domingo, Tagudin, Santa Cruz, Santa Maria, Narvacan, Salcedo), hilagang-kanlurang bahagi ng La Union (Luna, Bangar, Balaoan, Bacnotan), at kanlurang bahagi ng Abra (San Quintin, Langiden, Pidigan, Pilar)
Signal No. 2: Ilocos Norte, natitirang bahagi ng Ilocos Sur, natitirang bahagi ng La Union, Pangasinan, natitirang bahagi ng Abra, kanlurang bahagi ng Mountain Province (Besao, Tadian, Sagada, Bauko), Benguet, at hilagang bahagi ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria)
Signal No. 1: Apayao, Kalinga, natitirang bahagi ng Mountain Province, Ifugao, kanlurang bahagi ng Cagayan (Lasam, Santo Niño, Solana, Enrile, Tuao, Piat, Rizal, Allacapan, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Claveria, Santa Praxedes, Sanchez-Mira), Nueva Vizcaya, hilagang at gitnang bahagi ng Nueva Ecija (Bongabon, San Leonardo, Lungsod ng Cabanatuan, Santa Rosa, Jaen, Cuyapo, Talavera, Santo Domingo, Rizal, Zaragoza, Llanera, Guimba, Aliaga, Pantabangan, Science City of Muñoz, General Mamerto Natividad, Carranglan, Quezon, Lungsod ng San Jose, Lupao, Nampicuan, Talugtug, Licab, San Antonio, Lungsod ng Palayan, Laur), Tarlac, at gitnang bahagi ng Zambales (Botolan, Iba, Cabangan, Palauig, Masinloc).