-- Advertisements --

Mas lumakas pa ang bagyong Pepito habang tinatahak ang karagatan ng Eastern Visayas.

Ayon sa PAGASA, na ang lokasyon ng bagyo ay nasa 305 kilometers ng silangan ng Guiuan , Eastern Samar.

May taglay ito na lakas ng hangin ng aabot sa 155 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 190 kph.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 2 sa mga lguar ng Caramoan, Siruma, Tinambac, Lagonoy, Garchitorena, Presentacion, San Jose, Goa, Sagñay, Tigaon sa Camarines Sur; Catanduanes; Bacacay, City of Tabaco, Rapu-Rapu, Malilipot, Santo Domingo, Malinao, Tiwi, Manito sa Albay; City of Sorsogon, Gubat, Prieto Diaz, Barcelona, Casiguran, Bulusa sa Sorsogon.

Sa bahagi naman ng Visayas ay kabilang ang mga lugar ng Mapanas, Gamay, Palapag, Lapinig, Silvino Lobos, Laoang, Catubig, Las Navas, Pambujan, Mondragon, San Roque, Catarman, Lope de Vega, Biri, San Jose, Bobon, Rosario, Lavezares sa Northern Samar; Arteche, Oras, San Policarpo, Dolores, Jipapad, Maslog, Can-Avid, Taft sa Eastern Samar; San Jose de Buan, Matuguinao sa Samar.

Habang nakataas naman ang signal number 1 sa mga lugar ng Quirino, Aurora; Dinapigue, Palanan, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, San Agustin, Angadanan, Benito Soliven, City of Cauayan, City of Santiago, San Isidro, Alicia, Naguilian sa Isabela; Alfonso Castañeda, Kasibu, Dupax del Norte, Dupax del Sur sa Nueva Vizcaya; Pantabangan, Rizal, Bongabon, General Mamerto Natividad, Palayan City, General Tinio, Gabaldon, Laur, Peñaranda, Cabanatuan City, Santa Rosa, San Leonardo, City of Gapan sa Nueva Ecija; Doña Remedios Trinidad, San Miguel, Norzagaray, City of San Jose del Monte, San Ildefonso, San Rafael, Baliuag, Bustos, Santa Maria, Bocaue, Marilao, City of Meycauayan, Obando, Balagtas, Angat, Pandi sa Bulacan; Metro Manila, Laguna, Rizal, Quezon, Marinduque, Camarines Norte, natitirang bahagi ng Camarines Sur, natitirang bahagi ng Albay, natitirang bahagi ng Sorsogon, at Masbate kasama ang Burias at Ticao Islands.

Kasama ring nakataas ang signal number 1 ang mga lugar ng Northern Samar, natitirang bahagi ng Eastern Sama, natitirang bahagi ng Samar, Biliran; Barugo, San Miguel, Babatngon, Tacloban City sa Leyte.

Maaring mag-landfall sa gabi ng Sabado o umaga ng Linggo ang bagyo sa Catanduanes.

Inaasahan naman na tuluyang makakalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa araw ng Lunes.