-- Advertisements --

Nananatiling banta sa buhay ang Super Typhoon Pepito sa silangang bahagi ng Southern Luzon habang kumikilos ito sa karagatan ng Bicol Region. 

Huling namataan si Pepito sa layong 85 km, hilagang-silangan ng Daet, Camarines Norte. 

Taglay ang lakas ng hangin na aabot ng 185km/h malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 255 km/h, at central pressure na 925 hPa. 

Kumikilos ang Bagyong Pepito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15km/h. 

Posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Pepito bukas ng umaga o hapon, ayon sa state weather bureau.