Mas lumakas pa ang bagyong Pepito habang papalapit na itong maging typhoon category.
Ayon sa PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa 795 kilometers ng silangan ng, Guiuan, Eastern Samar.
May taglay ito na lakas ng hangin na 110 kph at pagbugso ng hanggang 135 kph.
Nadagdagan pa ang mga lugar na nasa tropical cyclone wind signal number 1 at ito ay kinabibilangan ng mga Catanduanes; Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes, Basud sa Camarines Norte; Caramoan, Garchitorena, Presentacion, San Jose, Lagonoy, Tinambac, Goa, Siruma, Tigaon, Sagñay, Calabanga, Naga City, Magarao, Bombon, Pili, Ocampo, Iriga City, Buhi sa Camarines Sur; , Rapu-Rapu, City of Tabaco, Malilipot, Santo Domingo, Bacacay, Legazpi City, Malinao, Manito, Tiwi sa Albay; Juban, City of Sorsogon, Barcelona, Bulusan, Magallanes, Gubat, Santa Magdalena, Casiguran, Bulan, Irosin, Matnog, Prieto Diaz, Castilla sa Sorsogon.
Habang nasa signal number 1 ang mga lugar sa Visayas na binubuo ng Northern Samar; San Policarpo, Arteche, Jipapad, Maslog, Oras, Dolores, Can-Avid sa Eastern Samar at sa Matuguinao, San Jose de Buan sa Northern Samar.
Sa loob ng 12 oras ay inaasahan na magiging typhoon category ang bagyo at ibinabala ng PAGASA na magiging isang super typhoon pa ito.
Maaring maglandfall ito sa gabi ng Sabado o hanggang umaga ng Linggo sa Central Luzon o Southern Luzon.
Pinaghahanda ng PAGASA ang mga public and disaster risk reduction and management offices na maging handa.