-- Advertisements --
Nag-landfall na ang Super Typhoon Pepito (international name: Man-Yi) sa Panganiban, Catanduanes, ayon sa state weather bureau nitong Sabado ng gabi.
Alas-9:40 ng gabi nag-landfall si Pepito sa bansa.
Batay sa 10 p.m. forecast ng state weather bureau, pumapalo na sa 325 km/h ang bugso ng bagyo at napanatili nito ang lakas ng hangin na aabot sa 195 km/h malapit sa gitna.
Kumikilos ito pa West Northwestward sa bilis na 25 km/h.
Si Pepito ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes ng umaga o hapon.