Nakatakdang mag-landfall ang Super Typhoon Pepito (international name: Man-Yi) sa silangang baybayin ng Catanduanes, ayon sa 8 p.m. bulletin ng state weather bureau.
Kaninang Alas-7 ng gabi, natagpuan si Pepito sa baybayin ng Gigmoto, Catanduanes, na may lakas ng hanging 195 km/h at pagbugsong aabot sa 240 km/h.
Kumikilos ito pahilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h.
Nakataas sa Signal No. 5 ang Catanduanes at sa hilagang-silangan na bahagi ng Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Lagonoy, Presentacion).
Signal No. 4 sa Camarines Norte, ang hilaga at timog-silangan na bahagi ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Goa, San Jose, Tigaon, Sagñay, Calabanga), at ang hilagang-silangan na bahagi ng Albay (City of Tabaco, Tiwi, Malinao, Malilipot , Bacacay, Rapu-Rapu).
Si Pepito ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes ng umaga o hapon.