Ginamitan umano ng pepper spray ng mga kasapi ng Hong Kong police ang mga demonstrador nitong Sabado, na pinakahuli sa serye ng mga protesta na sumiklab dahil sa kontrbersyal na extradition bill.
Kinompronta ng mga ralyistang tutol sa nakasanayang parallel trading ang grupo ng mga mangangalakal sa Sheung Shui na bumibili ng mga kalakal sa Hong Kong at ibinebenta sa China.
Batay sa ulat, gumamit ng pepper spray ang pulisya upang matapos na ang komprontasyon.
Ayon kay S/Supt. Kong Wing-cheung ng Hong Kong police public relations department, natapos na raw ang mga protesta at nanawagan sila sa mga demonstrador na umalis na sa area.
“Police discovered there was a confrontation among protesters. However, when the police intervened, a few individual protesters tried to push the police,” ani Kong.
“The police also discovered that some had planned and distributed helmets, eye masks on a large scale near the Sheung Shui MTR station. They also dismantled steel barriers on the roadside and used water barriers to block the roads,” dagdag nito.
Hinimok din ng opisyal ang mga hindi kalahok sa demonstrasyon na lumisan nang mapayapa at iwasang makilahok sa mga iligal na gawain. (CNN)