-- Advertisements --

Hindi ipinagsasawalang bahala ng Department of Interior and Local Government (DILG) na may mga nakikinabang sa pera mula sa mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, na gaya ng iligal na sugal, iligal na droga ay hindi malayong may pera na din ibinibigay sa mga pulitiko para gamitin sa kanilang kampanya.

Dahil dito ay mahigpit ang bilin nito sa mga opisyal ng gobyerno na sila ay mahaharap sa kaso kapag napatunayang sila ay tumatanggap ng nasabing iligal na pera para sa kampanya.

Pagtitiyak din ng opisyal na mahigpit ang Philippine National Police para bantayan ang nasabing mga iligal na POGO sa bansa.