-- Advertisements --

Tinawag ng ilang mga business analysts na maaring maging katapusan na ng pera ng Russia na ruble.

Ito ay sa gitna na rin ng walang humpay na pagpapataw ng mga sanctions ng Amerika at mga kaalyado nito sa mga negosyo at transcation sa Russia bilang parusa sa pagsalakay sa Ukraine.

Nitong araw lamang lalo pang sumadsad ang halaga ng pera ng Russia, kung saan ng isang dolyar ay katumbas na ng 117 rubles.

Noong 2008 malakas pa ang kanilang pera kung saan ang isang dolyar ay katumbas ng 25 rubles.

Pero ngayon ang pagbagsak ng pera nila ay umabot na ng 10% na maituturing na record low.

Ang naturang pangyayari ay nagpadagdag dahil sa utos ng central bank ng Russia na pagbawalan ang kanilang mamamayan na magpalit ng mga dayuhang pera.

Ang mga bangko din sa Russia ay nilimitahan din ang withdrawals ng foreign currency ng hanggang $10,000 lamang sa loob ng anim na buwan.

Para sa ibang bankers, isa raw itong malaking pagkakamali.

Dahil dito nagbabala ang ilang nangungunang credit rating agency na darating ang panahon ay hindi na makakayanan pa ng Russia na makapagbayad pa ng mga pagkakautang.

Kaya naman hindi malayong asahan na ang tinatawag na “default.”

Kung maalala rin, ilang mga higanteng kompaniya ang nagsilayasan na rin bilang bahagi ng kanilang pagkondena at protesta laban sa Russia.