-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Inaasahan na ng NBI ang pagtaas ng maitatalang “perception wars” kaugnay ng papalapit na 2022 elections.
Inihayag ni NBI Cybercrime Division chief Vic Lorenzo sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na karaniwan nang scenario sa election period ang bangayan ng mga supporters lalo na sa online world.
Sa gayon, handa naman umano ang tanggapan na umalalay sa mga hihingi ng kaukulang assistance patungkol sa mga ganitong insidente.
Ayon pa kay Lorenzo, tuloy-tuloy ang kanilang isinasagawang online scanning habang may access at nakikita din sa mga social media groups ang mga aktibidad ng mga aspirante.
Dagdag pa nito na kabilang sa mga idinudulog na reklamo sa kanila ang paglalabasan ng libelous contents sa political opponents.