-- Advertisements --

Matagumpay na naidepensa ni UFC light heavyweight world champion Alex Pereira sa ikatlong pagkakataon ang kaniyang titulo.

Pinatumba niya kasi ang challenger na si Khalil Rountree Jr sa kanilang UFC 307 main event na ginanap sa Delta Cneter, Salt Lake City sa Utah.

Sa simula pa lamang ay naging agresibo na si Rountree subalit kalmado lamang si Pereira.

Pagpasok ng Round 2 ay doon na nagsimulang umusok si Pereira at inulan ng sipa at suntok ang kalaban.

Dahil sa matinding sugat na tinamo ni Roundtree sa ikaapat na round ay ipinatigil na ng referee ang laban.

Mayroon ng 12 panalo at dalawang talo si Pereira habang si Roundtree ay mayroong 14 na panalo at anim na talo.