-- Advertisements --
Inilabas na ng Samahang Basketball ng Pilpinas ang bubuo sa 3×3 competition para sa Southeast Asian Games.
Pangungunahan ito nina Columbian Dyip rookie CJ Perez, Chris Newsome ng Meralco Bolts, Mo Tautuaa ng San Miguel Beermen at Jason Perkins ng Phoenix FuelMaster.
Ayon kay SBP President Al Panlilo na ang nasabing mga manlalaro ay tiyak na mapupukaw ang atensiyon ng mga basketball fans.
Sa nasabing line up ay tiyak na ang pagkuha ng bansa ng kauna-unahang gold medal ng SEA Games para sa 3×3 basketball.
Tiwala ang SBP na may malaki ang tsansa ng bansa na manguna dahil sa nasabing mga manlalaro.