-- Advertisements --

Wala pa ring kupas ang NBA superstar na si Kevin Durant sa kanyang pagbabalik sa team, kahit inabot pa ng 23 games ang kanyang pagkawala sa Brooklyn Nets.

Agaw pansin ang performance ni Durant nang magpakita ng perfect shooting para tambakan ng Brooklyn ang New Orleans Pelicans, 139-111.

Nagtala si Durant ng 17 points, kasama ang dalawang 3-points shots, seven rebounds at five assists sa loob lamang ng 19 minutes na paglalaro.

KD Durant Nets
Kevin Durant @BrooklynNets

Aminado ang head coach ng Nets na si Steve Nash na iniingatan nila si Durant dahil sa kagagaling lamang sa tinamong strained left hamstring sa bahagi ng binti.

Kaya naman hindi muna isinama si Durant bilang starter.

Ipinasok sa game si Durant sa second quarter at sinalubong ang All-Star forward ng palakpakan ng ilang mga fans sa arena.

Nanguna sa opensa ng Brooklyn sina Kyrie Irving na may 24 points at LaMarcus Aldridge na nagbuslo 22 para sa kanilang ika-36 na panalo.

Samantala, kung maalala si James Harden ay nagpapagaling din sa injury at inaasahang dalawang linggo na mawawala.

Sa panig naman ng Pelicans (22-29), nanguna si Eric Bledsoe na tumipon ng 26 points bagao na-ejected sa third quarter.

Si Zion Williamson ay inalat naman na meron lamang 16 points sa 4-for-12 shooting.

Taliwas sa nakalipas na games na pinakamababa niyang puntos ay 20.