-- Advertisements --
image 328

Iniulat ng Department of Energy na nananatiling nasa limampung porsyentong mas mababa ang power generation ng mga hydropower plants sa buong bansa.

Ito ay sa kabila ng mga malalakas na pag-ulan na naranasan sa malaking bahagi ng bansa, sa halos kabuuan ng Hulyo.

Ayon kay Energy Undersecretary Rowena Guevara, hindi naging sapat ang mga pag-ulan na naranasan sa nakalipas na mga araw upang matugunan ang water requirement ng mga hydropower plants sa buong bansa.

Nauna na rin umanong umabot sa Yellow Alert ang estado ng mga hydropower plants sa ikatlong linggo ng Hulyo, at umaasa ang opisyal na hindi na ito magpapatuloy pa.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Guevara na minomonitor ng Kawanihan ang ilang mga hydropower plants at ang impact ng El NiƱo sa magiging operasyon ng mga ito.

Kinabibilangan ito ng 280-megawatt Angat, 345-MW Magat, 720-MW Kalayaan, at ang 435-MW San Roque dam.

Nauna na rin aniyang nagsagawa ang DOE ng isang simulation, at lumalabas na maaaring maapektuhan sa El Nino phenomenon ang 300 MW hanggang 500 MW ng hydroelectric power.