-- Advertisements --
shakira

Tulad nang inaasahan naging usap-usapan ang nakakabilib na performance nina Jennifer Lopez at Shakira sa ginanap na halftime show kanina sa Super Bowl 54 sa Miami, Florida.

Pinatunayan nang pagsasama ng dalawang bigating performers na wala pa rin silang kupas.

Lalong naging trending sa mga social media ang ipinakitang galing sa pagsasayaw ng dalawa.

Una rito sinimulan ang half time show ng Super Bowl 54 ni Shakira at mga backup dancers.

Ilan sa inawit ni Shakira ay ang “Empire,” “I Like It,” “Hips Don’t Lie” at nandiyan din ang “Whenever, Wherever,” at medley ng Spanish-language songs.

Lalong dumagundong ang Miami Gardens nang pumasok naman si Jennifer Lopez.

Todong naghiyawan ang mga fans nang tanggalin ni JLo ang kanyang black leather bodysuit at ang ginawang pole dancing sa saliw ng “Waiting for Tonight.”

Agaw eksena rin ang 11-anyos na anak na babae ni Lopez.

Hindi naman magkamayaw ang mga fans nang kantahin ni Jennifer ang “Let’s Get Loud” hanggang sa muling pagsasama ng dalawa sa saliw ng “Waka Waka” song.

Si JLo ay 50-anyos na habang si Shakira naman ay 43-anyos.

Naging tradisyon na sa Super Bowl ang mga bonggang performance na sinasabayan din ng engrandeng fireworks display.

Samantala sa naging resulta ng laro tinanghal na kampeon ang Kansas City Chiefs sa pamamagitan ng comeback victory laban sa San Francisco 49ers sa score na 31-20.

Ito ang unang pagkampeon ng Kansas City makalipas ang 50 taon.

jlo super bowl