-- Advertisements --
Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “period of national mourning” kay dating Pangulong Benigno “Noyoy” Aquino III mula Hunyo 24 hanggang Huloy 3.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kabilang ito sa pinirmahang Proclamation 1169 ang paglalagay sa half-mast ang watawat ng bansa na matatagpuan sa lahat ng mga national government office.
Nanawagan din ang pangulo na ipagpatuloy ang pagdarasal at pagbibigay respeto sa dating Pangulo ng bansa na nagsilbi sa bansa.
Magugunitang pumanaw ang dating pangulo sa edad 61 nitong umaga ng Huwebes.