-- Advertisements --
Bumagal pa ang tropical depression Perla habang ito ay nasa silangan ng Cagayan.
Ayon sa Pagasa, makakaranas na ng pag-ulan ang ilang parte ng Northern Luzon dahil sa papalapit na bagyo.
Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 910 km sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 10 kph.
Maliban dito, asahan din ang makulimlim na panahon sa iba pang lugar sa bansa at paminsan-minsang pagbuhos ng ulan na dala ng thunderstorm.