-- Advertisements --
Lalakas pa umano ang severe tropical storm Perla habang papalayo sa ating bansa.
Ayon kay Pagasa forecaster Benison Estareja, hahatak ng malaking volume ng tubig ang bagyo bago ito makaalis sa Philippine area of responsibility (PAR).
Pero wala umano itong direktang epekto sa alinmang bahagi ng Pilipinas.
Paliwanag ng weather bureau, ang nararanasang ulan sa Metro Manila ay resulta ng localized thunderstorm at hindi dahil sa bagyong Perla.
Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 570 km sa silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Taglay na nito ang lakas ng hangin na 100 kph at may pagbugsong 125 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 15 kph o patungo sa direksyon ng Japan.