-- Advertisements --
Lalo pang lumakas ang bagyong Perla habang nananatili sa Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon kay Pagasa forecaster Benison Estareja, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 600 km sa silangan ng Basco, Batanes.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na 95 kph at may pagbugsong 115 kph.
Maliban dito, may dalawa pang sama ng panahon na binabantayan ang Pagasa, dahil inaasahan itong papasok sa karagatang sakop ng bansa sa susunod na linggo.