-- Advertisements --
Itinaas na sa tropical storm category ang bagyong Perla, matapos itong lumakas sa nakalipas na magdamag.
Ayon kay Pagasa forecaster Samuel Duran, nag-iba ng direksyon ang sama ng panahon at lumiit na tyansang mag-landfall pa ito sa ating bansa.
Paliwanag nito, naapektuhan ang bagyo ng ibang weather system na umiiral sa paligid ng ating bansa.
Huli itong namataan sa layong 790 kilometro sa silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kilometro kada oras at may pagbugsong 80 kilometro bawat oras.
Ang bagyo ay kumikilos ng mabagal sa mga nakalipas na oras.