-- Advertisements --
Bahagyang lumakas at bumilis ang tropical depression Perla sa nakalipas na mga oras.
Ayon kay Pagasa forecaster Ana Clauren, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 840 km sa silangan ng Aparri, Cagayan.
May lakas na itong 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Kumikilos ang sama ng panahon nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Sa pagtaya ng Pagasa, hihina ang bagyo bago ito mag-landfall sa Northern Luzon.
Pero magdadala pa rin ito ng ulan sa malaking parte ng Luzon sa darating na weekend.