-- Advertisements --
Patuloy na nagbabanta ang tropical depression Perla sa extreme Northern Luzon at aasahan ang landfall bago ang weekend.
Ayon sa Pagasa, bagama’t hindi nagbago ang lakas nito, magdadala pa rin ang bagyo ng malakas na buhos ng ulan.
Huli itong namataan sa layong 990 km sa silangan hilagang silangan ng Casiguran, Aurora o 1,005 km sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
May taglay itong hangin na 45 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 55 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.
Sa ngayon, wala pang direktang epekto sa bansa ang bagyong Perla.