Isinusulong ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na magkaroon ng permanenteng disaster risk officer sa bawat local government units (LGUs) sa bansa.
Layunin ni Revilla na magkaroon ng epektibo at mahusay na mekanismo sa pagtugon sa panahon ng kalamidad, dulot man ito ng tao o natural na pangyayari.
Base sa nakasaad sa RA 10122 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, ang National Disaster Risk Reduction and Management Framework (NDRRMF) ang siyang namamahala sa nakabase sa komunidad na disaster risk reduction and management.
Ayon kay Revilla, mahalagang bawat lokal na pamahalaan na ang magtalaga ng disaster risk officer na may permanenteng posisyon at magkaroon ng sariling tanggapan na eksklusibong sa operasyon lamang ng pagtugon sa sakuna.
Aniya, sa ganitong paraan mas mapapabilis ang pagtugon ng tulong sa mga nangangailagan.