CEBU – Sinuspinde ang ‘permit to serve liquor’ ng isang bar sa lungsod ng Cebu habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon matapos nitong nilabag ang curfew at ibang health protocols laban sa coronavirus.
Napag-alaman na bahagi ng proseso ang naturang ‘suspension’ habang iniimbestigahan pa ang insidente.
Ayon kay Cebu City Emergency Operations Center Head Councilor Joel Garganera nakatakdang pagpapaliwanagin ang management ng bar sa pamamagitan ng inilabas na ‘show-cause order’ ng Business Permit and Licensing Office (BPLO).
Noong Linggo ng madaling araw, nironda ng Cebu City Police kasama ang City PROBE team at ibang ahensiya ang business establishment na patuloy umanong tumatanggap ng mga customer kahit na nasa curfew na.
Kinumpirma ni Cebu City Police Office (CCPO) City Intelligence Unit Head PLt.Col Randy Caballes, ‘by booking’ umao ang pagtanggap ng customer ng naturang bar, bagay na napatunayan ng otoridad nang nironda ito dahil sa dami ng tao.
Nasa 112 na indibidwal ang arestado at nakamulta ng P500 samantalang nagsagawa naman ng “community service’ ang iba na wala umanong pambayad.
Kaugnay nito, humingi ng koopersyon mula sa publiko ang otoridad kabilang na sa mga barangay officials na patuloy na ipapatupad ang guidelines laban sa pandemya.