Nag-salita na ang Swedish national na si Pernilla Sjöö hinggil sa mga seryeng cryptic message na kumakalat ngayon online patungkol sa hiwalayang Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.
Si Pernilla Sjoö ang babaeng ini-uugnay sa hinihinalang hiwalayan nina Andi at Philmar na naging usap-usapan matapos mag-post ng larawan kasama si Alipayo kung saan mayroong macthing na tatooo na ”224”, na pinaniniwalaang nangangahulugang ”Today, Tomorrow, Forever.” Kasunod ng post na ito, nag-post si Eigenmann tungkol sa nararamdaman nitong parang ”sinaksak” umano siya sa likod ngunit hindi niya binanggit nang direkta si Sjoö.
Maaalalang sa isa pang follow-up Instagram story, nilinaw ni Eigenmann na hindi si Alipayo ang nag cheat sa kanya, kundi si Sjoö umano. Dahil dito, sumagot si Sjoö sa isyu sa kanyang IG post noong Sabado, Pebrero 8, at binigyang-diin na siya ay ”tao lang” na nakararanas ng panlalait na nagbigay hudyat naman kay Sjoö para isa-pribado ang kaniyang social media account.
‘I just don’t understand why some people have so much hate in their minds and bodies,’ sabi ni Sjoö. ‘I hope that if you ever make a hurtful comment, you can still sleep peacefully at night and smile knowing you’ve caused someone pain. I’m still human din naman. I still feel hurt, and when it’s too much, it cuts deep,’ dagdag nito.
Nanawagan din siya sa publiko na maging ‘mas mabait sa isa’t-isa’ at ipinahayag ang kalungkutan na siya ay hinuhusgahan base lamang sa kwento. Dagdag pa niya, ‘I hope you never become the reason someone cries themselves to sleep or questions their worth — asking why they weren’t good enough.’
![](https://img.bomboradyo.com/newscenter/2025/02/8773B86A-E039-40C8-A5BF-78E1B22911CE.png)
![](https://img.bomboradyo.com/newscenter/2025/02/475FE0FF-4C68-49CC-AAB0-BE9521937BE9-1.png)
![](https://img.bomboradyo.com/newscenter/2025/02/A543899E-95D8-4C4D-8748-CE39DD7B26B6-1.png)
Samantala, si Alipayo ay nagsalita rin sa isyu sa kanyang social media, na nagsasabing maaari siyang tawaging ”cheater at pangit.”
Nag-post din siya ng ilang cryptic message sa wikang Surigaonon, isa na dito ang ‘Kon ono may galing ijo mga nabasahan koman tinood jaon. Waya nay tagoay kay mas malisod,’ na nangangahulugang, ‘Kung totoo ang nabasa mo, wala nang pagtatago dahil maaari pa itong maging mas kumplikado.’
Dagdag pa nito ‘Kilaya man kamo kun ono ako na pagka tawo. So segoro kilaya sab kamo kon ono cja. Dili na nato taason an tanan,’ na ibig sabihin ay, ‘Alam niyo naman kung anong klaseng tao ako, kaya siguro alam niyo rin kung sino siya. Huwag na natin patagilin pa ito.’
Samantala, si Alipayo at Eigenmann ay na-engaged mula pa noong 2020 at may dalawang anak na sina Lilo at Koa.
Nakaplano sana silang magpakasal noong 2024, ngunit ang kanilang plano ay naantala dahil sa pagpanaw ng ina ni Eigenmann, ang yumaong aktres na si Jaclyn Jose. Hanggang ngayon, hindi pa malinaw ang kalagayan ng kanilang relasyon.