-- Advertisements --

Matagumpay na nakalapag sa planetang Mars ang Perserverance rover ng NASA.

Sa limang nagdaang rover ay ito na ang sopistikadong rover na ipinadala ng NASA sa Red Planet.

Mangangalap ito ng data at pag-aaralan kung maaaring mabuhay sa crater ng planeta dahil sa pagkakaroon ng lawa sa nagdaang 3.9 bilyon taon na ang nakaraan.

Nagpadala agad ng tweet na nagsasabing ligtas ito ganun din ay nagpadala ito ng larawan sa paglapag sa Mars.

Sinabi ni NASA acting administrator Steve Jurczyk na isang hamon ang pagtungo ng rover sa Mars dahil sa coronavirus pandemic na nararanasan.

Magsisilbing “scout for the rover mission” ito na magiging madali na para sa mga papalapit na mission ng Mars.

Umabot sa pitong buwan bago narating ang Mars na may layong mahigit 300 million kilometers.