-- Advertisements --
Video grab on YouTube

Kinumpirma ni Justice Sec. Meynardo Guevarra na may ongoing operations ngayon ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa “Bikoy video.”

Pero tumanggi si Guevarra na sabihing hawak na ng NBI si Bikoy, bagkus ay sinabing nagpapatuloy ang operasyon hinggil dito.

Sinabi pa ni Sec. Guevarra na maghintay-hintay lamang ng iba pang mga impormasyon at detalye hinggil dito.

Sa pahayag naman ng NBI, inihayag nilang may hawak silang “person of interest” kaugnay sa Bikoy video at posibleng magsasagawa ng press conference bukas.

“On the reported arrest of ‘ Bikoy ‘, the NBI has in custody a person of interest and will provide the details during the press conference to be scheduled tentatively tomorrow, Friday,” pahayag ng NBI.

Una rito, isang nagpakilalang “Bikoy” na lalaking nasa isang video na tago ang mukha at nagsasabing sangkot umano ang ilang miyembro ng pamilya Duterte sa illegal drugs trade.