-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hinatulan ng life imprisonment ng korte ang pangunahing person of interest ng tila misteryoso na pagkabaril-patay ng presidente ng USTP na si Ricardo Rotoras ensaktong tatlong taon na ang nakalipas sa Cagayan de Oro City.

Ito ay matapos nakitaan ng korte ng mabigat na mga ebedensiya na patawan ng hindi bababa ng 40 na taong pagkabilanggo si dating USTP Architect Rey Galua dahil sa kasong illegal possession of firearm at illegal possession of explosives na isinampa ng CIDG-10 sa korte noong taong 2017.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Regional State Prosecutor Merlynn Uy na ang pagka-konbikto ng akusado ay naka-pokus lamang sa nakompiska ng CIDG-10 noon na isang kalibre 45 na baril at mga granada sa mismong bahay nito sa high-end subdivision ng lungsod.

Inihayag ni Uy na hindi pa kasali rito ang akusasyon at pagdiin sa kanya ng PNP bilang pangunahing POI sa pagkasawi ni Rotoras na dati nitong partner ng project implementations hanggang sa nagkalabuan dahil sa biglang pag-asim ng samahan sa loob ng unibersidad.

Kaugnay nito,ikinatuwa naman ni CIDG-10 regional chief Lt Col Chuli Jun Caduyac ang naging hatol ng korte para sa akusado.

Inihayag ni Caduyac na bagamat malaki pa ang ta-trabahuin bagkus ay gumaan ang kanilang kalooban dahil nagbunga rin ang pagsisikap para patunayan na nasa kustodiya ni Galua ang nabanggit ng mga ilegal na armas at pampasabog noong ma-raid ang bahay nito.

Si Rotoras na mahal ng husto ng taga-USTP at ibang state colleges and universities sa buong bansa ay galing Christmas party nang inabangan at binaril ng hindi kilalang mga salarin mismo sa bakuran ng kanyang bahay sa Upper Carmen ng lungsod noong madaling araw ng Disyembre 2,2017.