-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Umabot sa 295 na Person under monitoring(PUM) ang nasa Sarangani Province ayon kay Dr. Arvin Alejandro, ang Provincial Health Officer ng naturang lalawigan.

Sinabi sa Bombo Radyo Gensan ni Dr. Alejandro na ang mga ito ay nananatiling naka- home quaratine.

Ayon dito, na nadagdagan ang unang 205 na PUM dahil mayroong dumating sa Sarangani na dumaan sa GenSan Airport mula sa Metro Manila habang sa ngayon ay may 12 na Person under investigastion (PUI) ang Sarangani ngunit anim nito nagnegatibo at dalawa ang nakatakdang lumabas sa pagamutan matapos na nagnegatibo ang resulta sa ginawang test.

Dagdag pa ni Dr. Alejandro na iba pang apat ang naka-subumit na ng swab sample sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) habang hinihintay na lamang ang resulta.

Habang inihayag nito na bumuti na umano ang kondisyon sa 10 taong gulang na Person under investigation matapos makitaan ito ng sintomas sa COVID 19.

Ang naturang bata ay anak ng babae na nasa Davao Medical Center matapos ito’y nilagnat noong Marso 6, 2020.