-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay sa pamamaril ang isang lalaki habang nasa bisinidad ng Municipal Circuit Trial Court sa bayan ng Malalag, Davao del Sur.

Kinilala ang biktima na si Alex Rabadon Apostadero na residente sa Harada Butai, Padada, Davao del Sur.

Ayon kay Malalag MPS, Person Under Police Custody o PUPC nila si Apostadero na suspek sa kasong Attempted Robbery, Rape at pagmamakaw.

Bandang 8:40 ng umaga habang naghihintay si Apostadero sa hagdan ng MCTC para sa kanyang scheduled Arraignment at Pre-Trial, bigla nalang itong binaril ng hindi pa kilalang suspek na kaagad namang nakatakas.

Nagtamo ng sugat sa kanang dibdib at balakang ang biktima na kaagad namang dinala sa Davao Sur Provincial Hospital sa Digos City pero idineklara itong dead on arrival sa attending physician.

Narekober sa crime scene ang mga empty shell ng cal.45 pistol. Habang nagsagawa namang ng hot pursuit operation at checkpoint ang Malalag MPS upang madakip ang tumakas suspek. Personal grudge ang isa sa mga itinuturong motibo sa pamamaril.