-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nakatala rin ng mga pagbaha ang lungsod ng Gensan partikular sa barangay Lagao, Baluan, at Buayan Laao at may mga nailihas na mga residente ngunit kaagad namang nakabalik sa kanilang tahan kinaumagahan.

Ayon kay Office of the Civil Defense Spokesperson Jorie Mae Balmediano, natanggap din nila ang ulat na may mga landslide sa may bahagi ng Sarangani Province partikular sa munisipyo ng Alabel ngunit wala namang naitalang damyos sa mga bahay maging sa imprastraktura.

Dagdag pa ng opisyal, wala silang natanggap na ulat mula sa Sultan Kudarat at South Cotabato sa epekto ng Shearline maliban na lamang sa mga minor flooding.

Sa ngayon naka standby pa rin ang mga personahe sa Office of the Civil Defense region 12 maging ang Provicial at City Disaster Risk Reduction Ofice sa posibleng epekto ng nagpapatuloy na sama ng panahon na sanhi ng mga pag-ulan sa rehiyon.

Matatandaang naglabas ng Executive order ang probinysa ng Sarangani at General Santos City nakaraang araaw sa pansamantalang pagkansela ng klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.

Sa Sarangani binawalan din muna na pumalaot ang mga mangingisda at pansamantala ring itinigil ang mga operasyon ng mga beach resorts.