CAGAYAN DE ORO CITY – Tadtad ng bala ang katawan ng isang police matapos pinagbabaril ng isang gun for hire suspect sa Purok 6, Upper Rancho Bangahan, Pangantucan, Bukidnon.
Kinilala ang biktima na si Police Staff Sergeant Rio Tibang, 39-anyos at residente sa nasabing lugar.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Pangantucan Municipal Police Station Commander Police Major Jerry Paronia na personal grudge ang tinitingnan nilang motibo sa krimen.
Una nang nagbanta ang suspek na si Jovie Maulas Somotil taga Manubiray, Lampanusan, Kalilangan Bukidnon na gaganti siya sa mga pulis matapos itong kinasuhan noong buwan ng Pebrero dahil sa kasong pagpatay.
Pinagbabaril ang biktima habang rumeresponde sa isang reklamo sa nasabing lugar.
Nagtamo si Tibang ng tama sa kaniyang ulo, leeg, dibdib at tiyan na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang manhunt operation ng pulisya laban sa suspek.