CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi pa lusot si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasabi nitong ‘personal guilt’ ang batayan para mayroong mananagot sa talamak na extra judicial killings noong kanyang kapanahonan.
Ito ang tugon ni Atty. Ephraim Cortez,presidente ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) sa igiinit ni Duterte na dapat unawain ni Senador Risa Hontiveros kung ano ang ibig sabihin ng personal guilt para maiwasan na mapahiya dahil kulang kaalaman ng batas.
Sinabi ni Cortez na maraming paraan upang ma-determina ang pananagutan ni Duterte sa madugo na war on drugs policy kung saan nahaharap ito ng seryosong akusasyon na nasa likod ng malawakang patayan sa suspected drug pushers.
Inihayag ng abogado na hindi simpleng kasong murder subalit crime against humanity na ang kinasangkutan ng dating pangulo kaya dapat na managot ito dahilan na isinulong nila ang pagkuha ng hustisya sa International Criminal Court (ICC).
Magugunitang naging mainit na batayan ng talakayang-legal ang usaping mahahabol ba ng ICC si Duterte dahil matagal ng umalis sa pagiging miyembro ang Pilipinas nito.