-- Advertisements --

Personal na galit ang nakikitang motibo ng Joint Task Force Basilan hinggil sa insidenteng pamamaril sa Probinsiya ng Basilan kagabi. Ito ay base sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ng militar.


Patay ang isang sundalo, dalawang militiamen at isang sibilyan sa nangyaring pamamaril bandang alas-9:30 kagabi sa Barangay Bohe Lebung, Tipo-Tipo,Basilan.

Sa report ng militar sa Basilan apat din ang sugatan dalawang Civilian Active Auxilliary at dalawang sibilyan.

Nakilala ang apat na nasawi sa pamamaril sa Basilan na sina PFC Marck Anthony Monte PA, CAA Samy Akay, CAA Alibasa Antaas, at sibilyan na si Kong Uging.

Ang mga sugatan naman ay sina CAA Randy Ibung, CAA Gary Cuevas, at dalawang sibilyan na sina Halam Jainul at Hakim Marani.

Batay sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo mula Basilan, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si PFC Monte at isang Karim Manisan.

Pero nagka-ayos na rin ang dalawa at sa katunayan inimbita pa ni Manisan si Monte sa kaniyang tahanan na may higit 100 metro lamang mula sa military detachment pero habang patungo sa bahay ang sundalo na si Monte pinagbabaril na ito ng mga tauhan ni Manisan.

Siniguro ng militar na kanilang sasampahan ng kaso at mananagot ang mga suspeks.