-- Advertisements --

Nagpaliwanang ngayon si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, PDir. Guillermo Eleazar sa personal nitong pagsundo kay Sen. Antonio Trillanes.

Kasunod ito ng pasya ng Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 150 kung saan kanilang pinagbigyan ang hirit ng Department of Justice na ipaaresto ang mambabatas.

Paliwanag ni Eleazar, nais lamang daw nitong matiyak na magiging maayos ang proseso sa pagdakip sa senador.

Sinabi ni Eleazar na ang ginawa kay Trillanes sa booking procedure ay normal lamang daw na siyang pagbabasehan para makapaglagak ito ng piyansa.

Pinuri naman ni Trillanes si Eleazar dahil may respeto at tinrato ito nang maayos ng mga pulis.

Kaugnay nito, sinabi ni PNP Spokesperson C/Supt. Benigno Durana na “mission accomplished” ang Makati City Police Office sa pagpapatupad ng warrant of arrest na inilabas ng Makati court.

Samantala, walang anumang gagawin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos maglabas ng arrest order ang Makati RTC.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Noel Detoyato, maghihintay lamang ang AFP sa magiging kautusan ng korte lalo na kung sa militar ibibigay ang kustodiya ng senador.