-- Advertisements --

Tuluyan ng pinagbawalan ng Tokyo Olympics organizations ang mga manonood dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Isinagawa ni Olympics Minister Tamayo Marukawa ang anunsiyo matapos ang ginawang pakikipagpulong sa ilang opisyal at organizers.

Una kasing inilagay ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga sa “state of emergencency” ang Tokyo mula Hulyo 12 hanggang Agosto 22.

Sa kasagsagan ng nasabing “State of Emergency” ay bawal ang mga bars at restaurant na magbenta ng mga nakakalasing na inumin.

Nauna rito maraming mga mamamayan ang nanawagan na kanselahin na ang nasabing Olympics dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Labis naman ang kalungkutan ni Japanese President Seiko Hashimoto dahil sa walang mga ma-audience ang nasabing Olympics.

Humingi rin ito ng paumanhin sa mga nakabili ng tickets para manood ng personal ng Olympics.