-- Advertisements --
image 242

Ipinag-utos ni Bohol Governor Aris Aumentado na ipamahagi ang mga kahon ng personal protective equipment (PPEs) na itinambak sa Pres. Carlos P. Garcia sports complex at hindi ginagamit.

Sa isang panayam, ibinunyag ni Aumentado na ang mga PPE ay ipapamahagi sa mga lungsod sa susunod na mga araw.

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source ng Provincial Health Office (PHO), hindi lamang ang mga PPE na para sa mga health frontliners sa kanilang proteksyon laban sa impeksyon ng Covid-19 infection ang nakatambak sa lugar kundi pati narin ang mgaface mask’.

Sinabi ng source na ang nakaraang administrasyon ng provincial government sa Bohol ay hindi nag-utos, ngunit ang Department of Health (DOH) ang naghatid sa kanila mula sa kapitolyo gamit ang mga wingvan at walang pondo mula sa lalawigan ang ginastos para dito.

Ang nasabing PPE’s ay binubuo ng ‘gowns’ na ‘light blue’ at white.

Base sa sticker na nakakabit sa bawat cartoon ng PPEs, ito ay inorder ng DOH at ang supplier nito ay ang SPRO Medical Products (Xiamen) Co. Ltd. sa Xiamen, China.

Base sa sticker na nakakabit sa bawat cartoon ng PPEs, ito ay inorder ng DOH at ang supplier nito ay ang SPRO Medical Products (Xiamen) Co. Ltd. sa Xiamen, China.