-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagtaas ng personal remittance mula sa Filipino na nasa ibang bansa.

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno, mayroong $2.9 billion o mahigit P145-B ang naitalang personal remittance sa buwan ng Hulyo.

Mas mataas ito kumpara noong nakaraang July 2018 na mayroong $2.7 billion o mahigit P135-B lamang.

Mula aniya sa Enero hanggang Hulyo 2019 ay mayroong 3.6 percent na pagtaas ang naitala na mula sa $18.5 billion (P925-B) ay mayroon na ngayong $19.1 billion (P955-B).

Nanguna ang bansang US na siyang may pinakamaraming remittance mula Enero hanggang Hulyo 2019 na sinundan ng Saudi Arabia, Singapore, United Arab Emirates, United Kingdom, Japan, Canada, Hong Kong, Germany at Kuwait.