Natukoy na ang persons of interest sa likod ng pamamaril sa tumatakbo sa pagka-alkalde sa Albuera, Leyte na si Kerwin Espinosa kahapon, araw ng Huwebes, Abril 11.
Kinumpirma ito ng Police Regional Office 8 (PRO 8) subalit tumanggi munang magbigay ng karagdagang detalye hinggil sa mga suspek.
Ayon kay PRO 8 public information office chief Police Major Analiza Armeza, agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang Albuera Municipal Police Station kasama ang SWAT laban sa suspek.
Aniya, nasa stable ng kalagayan si Espinoza kasama ang iba pang nasugatang biktima kabilang ang tumatakbong kandidato sa pagka-Bise Alkalde na si Mariel Espinosa Marinay at isang menor de edad.
Na-discharge na rin si Espinoza mula sa ospital.
Matatandaan, nangyari ang pamamaril kay Espinoza habang nangangampaniya ito sa Barangay Tinag-an sa Albuera, Leyte dakong alas-4:30 ng hapon, nitong Huwebes, Abril 10. Nagtamo si Espinoza ng tama ng bala ng baril sa kaniyang kanang balikat.