-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY- Nasa kustodiya na ngayon ng Bureau of Jail Management and Penology BJMP General Santos si Mohammad Nazid ang person of interest sa pamamaril sa isang pulis na si Patrolman Jobert Moremonte.

Matatandaan na nakahandusay at natagpuang walang buhay si Moremonte sa Purok Mapagmahal, Agan GreenVille, Barangay Baluan nitong lungsod.

Ayon ni Pmaj. Ari Noel Cardos ang Station Commander ng Lagao Police station na ang pagka kulong sa nabanggit na suspek ay may kaugnayan sa kaso nito na panggagahasa noong hindi pa nangyari itong kremen .

Dagdag pa nito,na patuloy pa rin ang kanilang pagkuha ng karagdagang impormasyon para mabigyang solusyon na at mabigyan ng hustisya ang walang awang awang pagpatay sa nasabing pulis.