-- Advertisements --

Hindi na bagong sakit at matagal ng may bakuna ang pertussis.

Iyan ang paglilinaw ni Department of Health Assistant Secretary Albert Domingo kasunod ng pagdedeklara ng Quezon City government ng pertussis outbreak.

Inamin naman ni Domingo na naputol ang pagbabakuna sa mga sanggol laban sa pertussis at iba pang mga sakit dahil sa nangyaring pandemya.

Ang pertussis o whooping cough ay nakukuha sa bacteria na bordetella pertussis na nakukuha umano sa hangin at naipapasa kapag ang taong positibo rito ay umubo o bumahing.

Sa ngayon, halos lahat ng mga pasyente ay mga bata edad lima pababa subalit nagpaalala si Domingo na maging ang matatanda ay maaaring mahawa nito.

Tiniyak din ng DOH na mayroong bakuna ang bansa laban sa pertussis.